Nasaktan ang OPM artist at Army reservist na si Ronnie Liang nang idamay ng netizens ang kanyang foundation sa viral video nila ni Atty. Harry Roque.
May mga netizens kasi ang nagbanggit sa Ronnie Liang Project Ngiti Foundation nang kumalat ang video ng singer-actor kasama ang dating presidential spokesperson ni Rodrigo Duterte.
Pinag-isipan nila nang masama si Ronnie at tinawag na “alaga” raw ni Roque, katulad ng pang-iintriga ng mga netizens sa pagkakaugnay ng dating opisyal ng gobyerno sa isang male pageant winner.
Natanong namin ang binata kung nag-reach out ba siya kay Roque nang pumutok ang isyu. “Wala, walang reach out na nangyari, to be honest.
“I was expecting na mauna sana siya na mag-ano kasi siya yung…pero tahimik lang ako dun, hindi ako kumikibo.
“Sinabi ko lang (sa video), ‘Gabaha ang guwapa diri Dinagat,’” aniya na ang ibig sabihin ay maraming magagandang babae sa Dinagat Islands.
Patuloy pa niya, “Inaasahan ko lang na baka mag-ano ng statement si Sir, kasi alam naman niya na wala, na in-invite niya lang ako mag-guest sa vlog.
“So I was advised by some people to give a statement na. Kasi sabi nga sa universal practice na ‘silence means yes.’ So, at least, I’m saying no, wala po, none, negative,” aniya pa.
Hiningan din siya ng mensahe sa nag-edit ng video, “Sana gumawa ka din ng isa pang version naman na ipakita mo yung tunay. Hindi lang yung na-crop, para patas, patas po.
