Malaking pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang bumungad sa mga motorista nitong Martes, kung saan inibaba ng lokal na mga kumpanya ng langis ang presyo ng hanggang P3 bawat litro dahil sa pagbaba ng pandaigdigang demand.
Sa magkahiwalay na abiso, ibinaba ng mga kumpanyang langis ang presyo ng gasolina ng P0.70 bawat litro at diesel ng P3 bawat litro. Ang presyo ng kerosene ay bumaba rin ng P2.30 bawat litro.
Ipinalabas ng Caltex ang mga pagbabago sa presyo ng 12:01 a.m., sinundan ng Shell at Seaoil ng 6 a.m.