PULSE PH

Rhaila Tomakin, Dedma na sa Kyline-Kobe Drama—Career Muna!

Hindi na nagpapaapekto si Rhaila Tomakin sa kontrobersyang kinasangkutan niya tungkol sa hiwalayan nina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Sa halip, tutok na siya ngayon sa kanyang showbiz career bilang isang recording artist at aktres.

Ang 20-anyos na si Rhaila ay kasalukuyang naka-sign sa O/C Records nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Nauna na niyang inilabas ang kantang Bite, at lumabas na rin siya sa isang proyekto ng Viva One.

Pop ang genre ng kanyang unang kanta, pero gusto raw niyang mag-eksperimento sa Afro, R&B, at Latin influences sa mga susunod niyang releases. “Passion ko talaga ang music at acting. Gusto ko itong ma-share sa mundo,” ani Rhaila, na lumaki sa Dumaguete at Dubai bago bumalik ng Pilipinas para ituloy ang pangarap sa showbiz.

Hindi na rin bago sa kanya ang intriga—lalo na nang maiugnay siya bilang “third party” sa hiwalayang Kyline-Kobe. Nilinaw ni Rhaila na wala siyang kinalaman sa breakup at friends lang sila ni Kobe Paras. “He’s a great guy and a very good friend. Pero hanggang doon lang ’yon.”

Kinuwento rin ni Rhaila ang hirap ng online hate na natanggap niya—kasama na ang mga death threats sa social media at email—dahil lang sa “same place, same time” na pagkikita nila ni Kobe sa Bali. “Hindi ko intensyon makasakit o makisawsaw. Simple moment lang talaga ’yon,” paliwanag niya.

Kahit gumuho ang internet sa tsismis, naging matatag si Rhaila sa tulong ng suporta ni Kobe at ng mga taong malapit sa kanya. “Napakahalaga ng support system. Surround yourself with people who make you feel authentically you,” payo niya.

At sa mga bashers? May paalala siya:
“Instead of stalking or hating, maghanap kayo ng passion. Ang dali lang baluktutin ang kwento online—kaya wag basta-basta maniwala.”

Ngayon, buo na ang loob ni Rhaila na mag-move forward. “I’m absolutely single. Wala akong intensyong makasira. Career muna ako.”

Exit mobile version