Opisyal nang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang planong mag-apply bilang susunod na Ombudsman, na may paniniwalang marami siyang maiaambag sa tanggapan.
Ayon kay Remulla, sisumite niya ang kanyang aplikasyon bago o sa mismong deadline na Hulyo 4, na itinakda ng Judicial and Bar Council (JBC). Malapit nang matapos ang termino ni Ombudsman Samuel Martires sa Hulyo 27, kaya open na ang posisyon.
Ang Ombudsman ang may responsibilidad na imbestigahan at usigin ang mga public officials na inaakusahang sangkot sa katiwalian at iba pang paglabag sa batas, at may kapangyarihang magsampa ng kaso sa Sandiganbayan o regional trial court.
Ang termino ng Ombudsman ay pitong taon na hindi na mare-reappoint, at tinanggal lang sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment. Huling naitala ang impeachment laban sa Ombudsman ay noong 2011.
Sinabi ni Remulla na walang magiging hadlang sa kanyang aplikasyon kahit na may reklamo laban sa kanya si Sen. Imee Marcos ukol sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Duterte at ang pag-turnover nito sa International Criminal Court. Inihayag niya na “nararapat ang JBC na magdesisyon kung angkop siya sa posisyon.”
Naipaalam na rin niya kay Pangulo Marcos ang kanyang intensyon na pasukin ang laban para sa Ombudsman.
Si Remulla ay Justice Secretary mula 2022, at dati ring kinatawan ng 7th District ng Cavite. Galing siya sa kilalang Remulla political clan sa Cavite, na may matibay na ugnayan sa pamilya Marcos.
