Nagbigay ng pag-asa at inspirasyon ang South Korean singer-songwriter na si EJAE matapos ang kanyang tagumpay sa Golden Globe Awards nitong January 12 (Manila time).
Si EJAE ay isa sa mga songwriter at singer sa likod ng kantang “Golden”, mula sa hit animated film na KPop Demon Hunters, na nanalo ng Best Original Song sa prestihiyosong awards night.
Sa kanyang acceptance speech, ibinahagi ni EJAE ang personal niyang kwento ng paulit-ulit na rejection habang tinutupad ang pangarap na maging K-pop idol. Ayon sa kanya, halos 10 taon siyang nagsumikap ngunit sinabihang hindi sapat ang kanyang boses.
Sa halip na sumuko, kumapit siya sa musika—at ngayon, bilang isang singer at songwriter, narating niya ang tagumpay na minsan ay inakala niyang imposible.
Ani EJAE, higit pa sa personal na panalo ang parangal. Para raw ito sa lahat ng nakakaramdam na sila’y nabigo, hindi sapat, o napag-iwanan. Layunin ng kanta na tulungan ang mga tao—bata man o matanda—na tanggapin ang sarili at lampasan ang kanilang mga pagsubok.
