Umani ng ingay online ang pangalan ni Sen. Raffy Tulfo matapos mabanggit sa mga hula ng netizens ang kanyang initials sa isang blind item ng Vivamax actress Chelsea Ylore.
Sa pagbisita ni Chelsea sa podcast ni Tiyo Bri, ibinunyag niya na ilang politiko—kabilang umano ang mga kilalang mayor at senador—ang nag-alok sa kanya ng indecent proposal. Bagaman hindi siya nagbigay ng tahasang pangalan, nag-iwan siya ng clue tungkol sa isang senador na nagsisimula sa “R” ang pangalan at may “F” sa apelyido.
Ayon sa aktres, “Ay si senator, tip pa lang paldo na. Abot ng P250k–P300k, wala pang nangyayari.”
Dahil dito, mabilis na naugnay si Sen. Raffy Tulfo sa blind item at nag-trending ang kanyang pangalan sa social media, kahit walang diretsong pagbanggit mula kay Chelsea.
Nagpakalat ang netizens ng samu’t saring reaksyon:
- “Iba pala talaga si Raffy Tulfo in Action!”
- “Nakakaloka kung siya nga!”
- “Pwede rin namang si Erwin Tulfo, senador rin yun ngayon?”
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Sen. Raffy Tulfo tungkol sa isyu.
