Tinabla ng isang Pasig court ang hiling ni Apollo Quiboloy na ma-house arrest sa kanyang mga ari-arian sa Davao, Quezon City, o Tagaytay.
Si Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at kasalukuyang kandidato sa pagka-senador, ay nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa kaso ng human trafficking.
Di Kwalipikado sa House Arrest
Ayon kay Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Pasig RTC Branch 159, hindi sapat ang kundisyon ng kalusugan ni Quiboloy para payagan siyang manatili sa labas ng kulungan.
Bagama’t ilang beses nang naospital mula Enero dahil sa pneumonia at hypertension, iginiit ng korte na maaari siyang mabigyan ng sapat na medikal na atensyon habang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Hindi rin umano maihahambing ang kanyang kaso sa mga dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, na pinayagang mag-house arrest dahil sa kanilang bail proceedings—isang sitwasyong malayo sa kaso ni Quiboloy.