Pinatahimik ni Kevin Quiambao ang mga duda sa kanyang pagiging UAAP’s best matapos ang mala-MVP na laro sa Game 2 ng UAAP Season 87 Finals.
Bumira ng 22 puntos si Quiambao, kabilang ang 11 sa crucial fourth quarter, para buhatin ang La Salle sa 76-75 come-from-behind win kontra UP sa harap ng 17,000 fans sa MOA Arena. Nagbida siya sa biggest shot ng gabi—a contested three-pointer na nagbigay sa Archers ng kalamangan sa final minutes.
“Lahat ng pagkakamali ko sa Game 1, tinama ko dito. Pinagpuyatan ko ‘to,” ani Quiambao, na bumawi mula sa mahinang second-half performance sa unang laro.
Bukod sa clutch plays, tinanggap din ni Quiambao ang back-to-back UAAP MVP award, ang ikalima sa kasaysayan ng La Salle. Pero para sa kanya, ang tunay na target ay ang kampyonato sa Game 3 ngayong Linggo sa Araneta.
“Special ang MVP, pero para ito sa buong La Salle team,” dagdag niya.
