Site icon PULSE PH

Quiambao bumalik sa KBL na may 14-point pasabog!

Kevin Quiambao, bagong hirang na Mr. Basketball (Amateur) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night, bumalik sa aksyon sa Korean Basketball League (KBL) matapos ang pahinga dahil sa ankle injury.

Sa kanyang pagbabalik, bumuhos si Quiambao ng 14 puntos, kabilang ang dalawang tres, kasama pa ang apat na rebounds at limang assists. Gayunman, hindi ito sapat para iligtas ang Goyang Sono Skygunners mula sa matinding 94-69 pagkatalo kontra Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters nitong Martes ng gabi sa Goyang Sono Arena.

Matatandaang napilayan si Quiambao noong Enero 12 sa kanyang inaabangang debut, kung saan nakapagtala lang siya ng anim na puntos sa halos pitong minutong laro bago tuluyang umupo sa injury list ng mahigit dalawang linggo.

Exit mobile version