Site icon PULSE PH

Quezon City, DOTr at MMDA, Nagtutulungan Para Masolusyunan ang Pagbaha!

Nagpasalamat si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Transportation Secretary Vince Dizon sa mabilis nitong tugon sa isyu ng pagbaha sa lungsod, lalo na sa mga lugar na apektado ng MRT-7 construction.

Ayon kay Belmonte, nagtutulungan na ang engineering department ng lungsod, DOTr, MMDA, at MRT-7 management upang tuloy-tuloy ang clearing operations at maipatupad ang pangmatagalang solusyon sa mga bara sa daluyan ng tubig.

“Salamat sa MRT-7 management sa agarang paglilinis ng construction sites,” ani Belmonte.

Bagaman itinanggi ng San Miguel Corp. Infrastructure na sanhi ng baha ang MRT-7, iginiit ni Belmonte na mahalaga ang pagkakaisa ng lahat ng ahensya para masolusyunan ang ugat ng pagbaha.

Nasa ilalim ng state of calamity ang QC, ngunit nilinaw ni Belmonte na wala nang baha at passable na ang mga kalsada. Gagamitin ang P485M quick response fund sa pagbili ng trak ng basura, gamot, at pagsasaayos ng imprastraktura.

Exit mobile version