Site icon PULSE PH

QC, Pinairal ang Bagong Green Building Code Para sa Mas Ligtas at Eco-Friendly na Lungsod!

Ipinatupad ng Quezon City government ang Green Building Code of 2025 upang isulong ang sustainable at environment-friendly na konstruksyon sa lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng ordinansa na nagtataguyod ng renewable energy, energy at water efficiency, waste management, at kalidad ng indoor environment sa mga gusali.

Ayon kay Belmonte, layon ng programa na tugunan ang pagtaas ng temperatura na nakaapekto sa kalusugan at kabuhayan ng mga residente.

Sasaklawin ng code ang mga bagong gusali at malalaking renovation projects na kukuha ng permit. Tinatayang makababawas ito ng 12% sa konsumo ng kuryente at hanggang 0.67 milyong tonelada ng carbon emissions kada taon pagsapit ng 2030 — katumbas ng pagtanggal ng 120,000 sasakyan sa kalsada.

“Malaki ang ambag ng mga gusali sa greenhouse gas emissions. Kailangan nating kumilos ngayon,” ayon sa ordinansa.

Layunin ng bagong code na gawing mas matatag, komportable, at eco-friendly ang Quezon City — patungo sa mas berde at ligtas na kinabukasan para sa lahat ng QCitizens.

Exit mobile version