PULSE PH

QC Nangunguna sa Rental Housing! Belmonte, Tumulak sa Bagong Tahanan para sa Mahihirap!

Lumagda sa kasunduan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon City para sa mga rental housing project na magbibigay ng ligtas at disenteng tirahan sa mga informal settler families.

Sa ilalim ng mga kasunduan, magtatayo ng medium-rise buildings sa Barangay Sauyo at Barangay Bagong Silangan, mga lugar na tinukoy ng QC bilang angkop sa rental housing sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program. Tinatayang 2,900 katao na nakatira sa danger zones at tabing-ilog ang makikinabang.

Ayon sa DHSUD, pinapinal na lamang ang mga detalye ng proyekto na bunga ng serye ng pagpupulong sa pagitan ni DHSUD Secretary Jose Aliling at QC Mayor Joy Belmonte. Buong-suporta si Belmonte sa rental housing modality, na aniya’y praktikal at makataong solusyon para sa mga pamilyang hindi pa kayang magkaroon ng sariling bahay.

Sa pangunguna ng QC, pinapalawak ang abot ng 4PH Program—mula pagmamay-ari hanggang abordable na paupahan—para mas maraming pamilya ang magkaroon ng maayos at ligtas na tahanan.

Exit mobile version