Mula sa pagiging rookie team na nahuli sa ranking, ang Capital1 Solar Spikers ay naging lehitimong contender sa PVL Reinforced Conference.
Sa kanilang unang pagkakataon sa quarterfinals, alam ng team na iba na ang hamon mula dito.
“Laging sinasabi ni coach [Roger Gorayeb], parang championship game na ang bawat laban dahil kailangan naming ibigay ang lahat sa bawat laro, lalo na’t knockout na ang format,” ani team captain Jorelle Singh.
“Proud ako sa bawat isa sa amin dahil pinaghirapan talaga namin ito. Mula sa isa lang na panalo noong nakaraang conference hanggang ngayon, pinagtrabahuan talaga namin ito,” dagdag niya.
Tinapos ng Capital1 ang preliminary round na may 5-3 record, ang pinakahuling panalo ay laban sa Galeries Tower na natanggal na sa laban.