Hindi na lang basta limang taon ang itatagal ng prangkisa ng mga consolidated Public Utility Vehicles (PUV). Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, pinag-aaralan na nilang i-extend ito hanggang pitong taon para tumugma sa haba ng bayaran ng loan sa bangko.
Para sa Peace of Mind ng Operators Layon ng hakbang na ito na bigyan ng “confidence” ang mga kumuha ng loan para sa modernization. Kung pito ang taon ng hulugan sa sasakyan, dapat pito rin ang taon ng prangkisa para hindi kabado ang mga operator sa renewal.
Bukod sa haba ng prangkisa, heto pa ang mga dapat abangan:
- Mystery Riders is Real: Maglalabas ang LTFRB ng mga “mystery riders” o mga incognito inspectors para silipin kung maayos ba ang serbisyo sa mga terminal at sasakyan. Bawal ang sira-sirang upuan at maruming loob ng PUV!
- Fare Hike Hearings: Magsisimula na ulit ang mga pagdinig para sa hirit na taas-pasahe ngayong Pebrero, kasabay ng pamimigay ng fuel subsidy para sa mga driver.
- Regulated Carpooling? Pinag-iisipan na ring ibalik ang carpooling sa ilalim ng TNVS para makabawas sa grabeng traffic sa Metro Manila.
- Digital na Lahat: Para iwas-fixer, tinatapos na ng LTFRB ang kanilang transition sa digital process. Ibig sabihin, mas mabilis na ang application at hindi na kailangang pumila nang pagkahaba-haba.
Siguradong maraming pagbabago sa kalsada ngayong 2026, kaya stay tuned lang tayo para sa mas komportableng byahe!
