Site icon PULSE PH

Putin, Magbabalik sa Paggawa ng Nuclear Weapons!

Russian President Vladimir Putin speaks during a meeting at the Russian Foreign Ministry in Moscow, Russia, Friday, June 14, 2024. (AP Photo/Alexander Zemlianichenko)

Noong Linggo, nagbabala si Russian President Vladimir Putin na muling sisimulan ang produksyon ng intermediate-range nuclear weapons kung matutuloy ang plano ng Estados Unidos na mag-deploy ng missiles sa Germany o iba pang bahagi ng Europa.

“If the United States carries out such plans, we will consider ourselves liberated from the unilateral moratorium previously adopted on the deployment of medium- and short-range strike capabilities,” ani Putin sa isang naval parade sa Saint Petersburg.

Ang mga ganitong missiles, na may abot na 500 hanggang 5,500 kilometers (300-3,400 miles), ay bahagi ng isang kasunduan sa kontrol ng armas na pinirmahan ng US at Soviet Union noong 1987. Ngunit pareho nang umatras ang Washington at Moscow mula sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty noong 2019, dahil sa akusahan ng paglabag.

Sinabi ng Russia na hindi ito magsisimula ng produksyon ng naturang missiles hangga’t hindi nag-deploy ng missiles ang Estados Unidos sa ibang bansa. Noong unang bahagi ng Hulyo, inanunsyo ng Washington at Berlin na ang “episodic deployments” ng long-range US missiles, kabilang ang Tomahawk cruise missiles, sa Germany ay magsisimula sa 2026.

Ayon kay Putin, “important Russian administrative and military sites” ang maaaring maabot ng mga missiles na “could in the future be equipped with nuclear warheads, such that our territories would be within around 10 minutes” ng isang strike. Dagdag pa niya, “This situation reminds us of the events of the Cold War linked to the deployment of American Pershing medium-range missiles in Europe.”

Naunang nagbabala ang Kremlin noong kalagitnaan ng Hulyo na kung matutuloy ang US deployment, magiging target ng Russian missiles ang mga European capitals.

Exit mobile version