Hindi makapaniwala si Barbie Forteza na ang period drama niyang Pulang Araw ang kauna-unahang Pinoy series na magiging bahagi ng Lunar Codex, isang cultural archive na dadalhin sa buwan.
“Grabe, may ganon pala? Sabi namin, ‘Ang bongga naman natin,’” ani Barbie.
Sa Pulang Araw, ginampanan niya si Adelina, isang Bodabil performer na naging mandirigma laban sa mga Hapones noong World War II.
Ayon sa GMA, napili ang serye dahil sa makabuluhang pagsasalaysay nito ng kasaysayan ng Pilipinas at ang matatag na diwa ng mga Pilipino sa harap ng pagsubok.
Talaga namang ibang level ang recognition na ito—mula TV, ngayon nasa buwan na rin!