Site icon PULSE PH

PSG, Balik-Trono sa Ligue 1! Ethan Mbappe Bumida sa Huling Segundo Para sa Lille!

Panalo na naman ang Paris Saint-Germain matapos talunin ang Lens, 2-0, sa Ligue 1. Dalawang beses naka-goal si Bradley Barcola para ibalik ang PSG sa tuktok ng standings na may apat na sunod na panalo ngayong season.

Pero may mabigat na problema si coach Luis Enrique—sunod-sunod ang injuries ng kanyang mga players. Nadagdag sina Khvicha Kvaratskhelia, Lee Kang-in, at Lucas Beraldo sa listahan ng mga injured, kasunod nina Ousmane Dembele at Desire Doue na na-injure rin habang nasa national duty. Ayon kay Enrique, hindi pa ito “crisis” at kaya pa nilang bumawi bilang isang team.

Samantala, sa ibang laban, pumutok si Ethan Mbappe—nakababatang kapatid ni Kylian—para sa Lille. Sa ika-98 minuto, tinapos niya ang laro kontra Toulouse, 2-1, matapos unti-unting makabawi ang kanyang koponan. Ito ang kauna-unahang goal ng 18-anyos midfielder para sa Lille simula nang umalis siya sa PSG noong nakaraang taon.

Dahil dito, pansamantalang umakyat sa unang pwesto ang Lille bago muling maagaw ng PSG ang liderato. Samantala, natalo ang Lyon sa Rennes, 3-1, matapos mag-collapse sa huling minuto, habang nakasungkit din ng panalo ang Strasbourg at Paris FC.

Exit mobile version