Site icon PULSE PH

Presyong Sakto! P45 SRP sa Imported na Bigas, Umpisa Na!

Ngayong araw, sisiguraduhin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nasusunod ang P45 SRP sa imported na bigas sa mga pamilihan sa Quezon City. Sasamahan siya nina Trade Secretary Cristina Roque, mga opisyal ng lungsod, at kapulisan sa inspeksyon.

Mula sa dating P64 kada kilo, unti-unting bumaba ang presyo ng imported na bigas, pero hindi pa rin sapat ang epekto ng EO 62 na nagbaba ng taripa mula 35% sa 15%. Sa kabila ng pagbaba ng presyong pandaigdig, umaaray ang mga magsasaka dahil sa bagsak-presyong bentahan ng palay—umaabot na lang ng P14 kada kilo.

Ayon kay dating agri chief Leonardo Montemayor, nakinabang lang ang mga importer at trader sa tariff cut, habang naiipit ang lokal na magsasaka. Hinimok niya ang DA na harapin ang problema sa halip na itanggi ang hirap ng mga magsasaka.

Exit mobile version