Pinapaharap ng mga prosecutor si South Korean President Yoon Suk Yeol bago mag-Sabado kaugnay ng umano’y nabigong martial law bid, ayon sa Yonhap News. Kung hindi sumipot, posibleng arestuhin siya.
Si Yoon, na na-impeach nitong Sabado, ay iniimbestigahan dahil sa alegasyong insurrection kasama ang kanyang mga tauhan. Kung mapatunayang nagkasala, maaaring humarap siya sa habambuhay na pagkakakulong o kahit death penalty.
Nasa travel ban si Yoon habang dinidinig din ng Constitutional Court ang kanyang kaso, na posibleng tumagal ng anim na buwan. Pansamantalang namumuno si Prime Minister Han Duck-soo.
Patuloy naman ang mga malawakang protesta sa Seoul laban kay Yoon, habang may mga rally rin na sumusuporta sa kanya. “Lalaban kami hanggang tuluyang matanggal siya,” sabi ng mga demonstrador.
Kung tuluyang maalis, magdaraos ng bagong eleksyon sa loob ng dalawang buwan.