Inihayag na magkakaroon ng espesyal na pagtitipon si Pope Leo XIV kasama ang halos 100 Filipino priests pati na rin ang ibang mga pari mula sa iba’t ibang bansa na kasalukuyang nakaassign sa Rome. Itatakda ang pulong sa June 12, 10 a.m. sa Vatican’s Paul VI Hall.
Ayon sa CBCPNews, ito ang unang opisyal na pagkikita ng Santo Papa sa mga pari ng Diocese of Rome mula nang siya ay mahalal bilang pope noong May 8.
Ipinahayag ni Rev. Gregory Ramon Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino, na karamihan ng mga dadalo ay mga Pilipinong pari na nag-aaral pa ng teolohiya, pilosopiya, canon law, at iba pang larangang pang-ecclesiastical.
Tinantiya niyang mayroong humigit-kumulang 100 Filipino priests sa Rome.
“Excited na excited kami dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon kami ng audience kay Holy Father, Pope Leo,” ani Gaston sa Radyo Veritas.
Ang pagtitipon na ito ay simbolo ng matibay na ugnayan ng Pilipinas sa Simbahang Katolika at pagkilala sa mahalagang papel ng mga Pinoy pari sa buong mundo.