Si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, 65, ay itinaas bilang cardinal ni Pope Francis noong December 7. Siya na ngayon ang ika-10 na Filipino cardinal sa kasaysayan!
Kasama si David sa 21 bagong cardinal na tinanggap ang kanilang “red hats” sa isang consistory sa St. Peter’s Basilica sa Vatican. Ayon kay David, siya ang unang non-archbishop sa Pilipinas na naitalagang cardinal, at magpapatuloy siya bilang bishop ng Kalookan.
Si David, na kasalukuyang presidente ng CBCP at vice president ng Federation of Asian Bishops’ Conference, ay kabilang sa tatlong Filipino cardinals na may karapatang bumoto sa pagpili ng bagong pope.
Payo ni Pope Francis sa mga bagong cardinal: maglakbay nang may kababaang-loob, pagkakaisa, at kagalakan sa landas ni Jesus.