Patay na natagpuan ang Tsinoy na steel magnate na si Congyuan Guo (a.k.a. Anson Tan/Que) at driver niyang si Armanie Pabillo sa Rodriguez, Rizal. Parehong nakasilid sa bag, nakatali, at naka-duct tape ang mga mukha.
Ayon sa PNP, malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ng Special Investigation Task Group. Isa sa mga tinitingnang anggulo: posibleng koneksyon sa POGO investors at sindikatong sangkot sa iba’t ibang kidnap cases.
Huling nakita ang Lexus ni Guo sa Macapagal Blvd., Pasay noong Marso 29. Inabandona ito sa Quezon City nitong Abril 8. Ayon sa source, halos ₱100M ransom ang ibinayad ng pamilya—pero pinatay pa rin ang biktima.
PNP Chief Marbil sinibak ang AKG head dahil sa accountability issues. CCTV backtracking na ngayon ang focus para mahanap ang mga salarin ASAP.