Pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga violator ng POGO ban na haharap sila sa buong bigat ng batas! Simula Disyembre 15, kanselado na ang lahat ng POGO licenses at walang renewal sa susunod na taon. Pero, ayon sa gobyerno, maghihirap ang mga dating empleyado ng POGOs na nagtatangkang magtago sa maliliit na bahay, condo, o resorts.
Pinaigting na ng mga ahensya tulad ng PNP at PAOCC ang mga operasyon laban sa mga rogue POGOs na magtutuloy-tuloy kahit may ban. Hinimok din ang mga lokal na opisyal na magtulungan upang matukoy ang mga illegal na aktibidad sa kanilang lugar.
“Ang mga POGOs, ituring na nating scam centers,” ani Interior Secretary Remulla. Malakas na monitoring at operasyon ang aasahan laban sa mga patuloy na mag-ooperate kahit tapos na ang deadline.