Pumasa na sa House committee ang isang panukalang batas na magtataas sa retirement age ng mga pulis mula 56 hanggang 57 taon.
Ang House Bill 11140, na isinulong ni Speaker Martin Romualdez, ay aprubado na sa pamumuno ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez.
Layunin ng panukala na baguhin ang Republic Act 6975, at ayon kay Fernandez, makikinabang ang law enforcement sa dagdag na taon ng serbisyo ng mga pulis.
Suportado rin ito ng National Police Commission (Napolcom), na nagsasabing hindi maaapektuhan ang performance ng mga pulis kahit itaas pa ang retirement age.