PULSE PH

NPA ‘Tax Collector,’ Tumba sa Engkwentro sa Sultan Kudarat!

Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa isang engkwentro sa Palimbang, Sultan Kudarat noong Mayo 1. Si Marlindo Pandila Maglangit, na wanted sa mga kasong kriminal, ay pinatay ng mga sundalo matapos silang paputukan habang papalapit sa kanilang hideout sa Sitio Sandawagen, Barangay Bambanen.

Nakita sa tabi ng katawan ni Maglangit ang isang M16 rifle, medical supplies, at mga pampasabog. Ayon sa mga lider ng komunidad, madalas dumaan si Maglangit at ang kanyang grupo upang mangolekta ng pera mula sa mga hindi armadong residente.

Exit mobile version