PULSE PH

PLDT High Speed Hitters, Wagi Muli; Malapit na sa PVL Qualifying Round

Patuloy ang magandang takbo ng PLDT High Speed Hitters matapos nilang talunin ang Galeries Tower Highrisers sa straight sets, 25-18, 25-22, 25-17, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference na ginanap sa Filoil EcoOil Centre.

Pinangunahan ni Savi Davison ang opensa ng PLDT matapos magtala ng 21 puntos, kabilang ang 18 kills. Malaki rin ang naging ambag ni Kim Fajardo na naghatid ng 15 excellent sets upang mapanatili ang kanilang malakas na atake.

Dahil sa panalo, naitala ng High Speed Hitters ang kanilang ikaanim na tagumpay sa pitong laro at nasolo ang liderato sa torneo. Isang panalo na lamang ang kailangan ng koponan upang makapasok sa crossover qualifying round kung saan ang dalawang mananalo ay direktang aabante sa semifinals.

Gayunman, ayon kay PLDT coach na si Rald Ricafort, mas pinipili ng koponan na magpokus sa bawat laro sa halip na isipin agad ang semifinals. Nakatakda pa nilang harapin ang Choco Mucho Flying Titans at Nxled Chameleons sa mga susunod na laban.

Samantala, bumagsak naman sa 2-5 na rekord ang Galeries Tower sa kumperensya.

Exit mobile version