Bumagsak ang isang London-bound na eroplano sa gitna ng residential area sa Ahmedabad, India nitong Huwebes, na ikinasawi ng hindi bababa sa 265 katao—kasama na ang nasa lupa.
Ang Boeing 787-8 Dreamliner ng Air India ay may sakay na 242 katao nang sumalpok ito sa isang gusaling tinitirhan ng medical staff, at sumiklab sa apoy.
Isang pasahero lang ang nakaligtas sa trahedyang ito na gumimbal sa buong bansa.
Patuloy ang imbestigasyon at retrieval operations hanggang ngayong Biyernes, gamit pa ang sniffer dogs para hanapin ang mga natitirang katawan.
“Hindi mabigkas ng salita ang sakit,” ayon kay Prime Minister Modi.