Site icon PULSE PH

Piston at Manibela, Maglulunsad ng 3-Day Transport Strike sa Setyembre 17-19!

Nag-anunsyo ang transport groups na Piston at Manibela ng nationwide transport strike bilang protesta laban sa umano’y korapsyon sa paggamit ng fuel excise taxes.

Ayon sa Piston, umaabot sa ₱13,000 kada buwan ang binabayarang buwis ng karaniwang jeepney driver, habang nasa ₱4,000 naman ang pasanin ng mga pasahero. Para sa mga gumagamit ng modernized o e-jeepneys, mas mabigat: halos ₱23,400 kada buwan sa VAT at excise taxes.
“Pang-rehabilitate at pampaganda sana ng public transport ang pera, pero nauuwi lang sa mga luxury cars ng mga tiwaling opisyal,” giit ng grupo.

  • Piston: Strike sa Set. 18, kasunod ng protesta sa Rizal Park sa Set. 21.
  • Manibela: Strike mula Set. 17 hanggang 19, laban din sa maling paggamit ng pondo at umano’y luho ng mga “nepo kids.”

Samantala, tiniyak ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na hindi mapaparalisa ang transportasyon. Naka-standby ang mga gobyernong sasakyan, military trucks, bus, at modern PUVs para magsakay ng libreng pasahero.
Dagdag pa niya, karamihan ng mga driver at operator ay magpapatuloy bumiyahe tulad ng nakaraang strike na hindi gaanong nakaapekto.

Sinabi rin ng MMDA na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maranasan ng publiko ang “minimal inconvenience.” Pinayuhan nila ang mga tsuper na huwag pilitin o harangin ang iba para lang mapasama sa kilos-protesta.

Exit mobile version