Usap-usapan ngayon si Piolo Pascual matapos lumabas ang isang litrato niya kasama ang isang babae na sinasabing bago niyang inspirasyon—si Kim Rivera, na kapatid ng model-actress na si Ashley Rivera.
Ayon sa showbiz columnist na si Lolit Solis, si Kim mismo ang nag-upload ng larawan nila ni Piolo sa social media, dahilan para agad itong mag-viral at umani ng samu’t saring reaksyon.
Matatandaang nitong Enero, sinabi pa ni Piolo na single siya for 13 years na. “Wala naman e. May love life ba ako? Ang tagal na rin, e, hindi ko na alam ‘yung love life,” aniya noon.
Ngayon, tila may dahilan na para muling kiligin ang puso ni Papa P—at ang buong internet!
Abang-abang na lang tayo kung tuluyan na ba itong “hard launch” soon.