Sa ilalim ng maliwanag na araw at harap ng masiglang hometown crowd, itinanghal ang Pilipinas bilang overall champion sa ICF Dragon Boat World Championships sa Puerto Princesa. Ang mga pambato ng bansa ay nakakuha ng 2 ginto, 5 pilak, at 2 tanso para sa kabuuang medal tally na 11 ginto, 20 pilak, at 16 tanso.
Nakuha ng Thailand ang ikalawang puwesto na may 8 ginto, habang ang INA squad ay pangatlo na may 6 ginto. Suportado ng Philippine Sports Commission at Tingog party-list, wagi ang Pilipinas sa mainit na laban ng masters mixed 20-seater standard boat 500-meter race sa oras na 2:06.34, bahagyang nauna laban sa Singapore (2:06.73) at Germany (2:07.98).
Bukod dito, nagwagi rin ang Pinoy team sa 40+ 20-seater women’s 2,000-meter standard boat event at nag-uwi ng pilak sa iba’t ibang kategoriya kabilang ang 20-seater mixed standard boat 500-meter at 40+ 10-seater mixed 500-meter.
Ayon kay PCKDF president Leonora “Lenlen” Escollante, “Kasaysayan ang ginawa natin araw-araw kaya sobrang proud ako sa ating national paddlers at sa matagumpay na pag-host ng event na ito.”