Site icon PULSE PH

Pinoy-Made Crown ng Miss Universe 2024, Ipinasilip na!

Ibinida ng Miss Universe Organization ang unang crown na gawa ng mga Pilipino para sa 2024 Miss Universe titleholder! Ang korona, na tinawag na “Lumiere de L’Infini” o “Liwanag ng Walang Hanggan,” ay likha ng kilalang brand na Jewelmer, na tanyag sa kanilang South Sea pearls.

Ipinasilip sa isang video kung paano binuo ang korona — mula sa gintong disenyo hanggang sa detalyadong paglalagay ng mga perlas at brilyante. Sa gitna ng korona ay isang pearl sa loob ng hugis-araw na centerpiece na may “sinag” ng diamonds.

Si Chelsea Manalo ang posibleng unang magsuot ng bagong crown at makamit ang ikalimang Miss Universe title ng Pilipinas sa coronation sa Mexico ngayong Nobyembre 16 (Nob. 17 sa Pilipinas).

Exit mobile version