PULSE PH

Pinky Amador May Patutsada Kay Ka Tunying: “Bibili Sana Ako ng Fake News”

Nagbiro ang aktres na si Pinky Amador tungkol sa isyu ng fake news sa isang video na ipinost niya sa Instagram at Facebook. Sa clip, makikitang naglalakad siya papunta sa isang kiosk ng “Ka Tunying” at pabirong sinabi:

“Bibili sana ako ng fake news.”

Sa caption ng kanyang post, hinikayat niya ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa at huwag magpakalat ng maling impormasyon. Ginamit din niya ang mga hashtag na #Satire, #LabanSaFakeNews at #KurakotIkulong.

Ang “Ka Tunying” ay negosyo ni broadcaster Anthony Taberna na nagbebenta ng tinapay, kape, at pagkaing Pinoy. Kamakailan, napasama sa balita si Taberna matapos muling umingay ang dati niyang endorsement sa Stronghold Insurance Company Inc., na umano’y konektado sa kontrobersyal na contractor couple na sina Sarah at Curlee Discaya. Nilinaw ng kumpanya na wala silang direktang kinalaman sa kontrata ng mag-asawang Discaya sa Department of Public Works and Highways.

Bukod dito, naging usap-usapan din si Taberna matapos niyang sabihin sa kanyang vlog na may budget insertions si Sen. Risa Hontiveros para sa mga proyekto ng imprastraktura sa kasalukuyang panukalang badyet. Mariing itinanggi ni Hontiveros ang naturang paratang.

Exit mobile version