Site icon PULSE PH

Ping Lacson: I-freeze ang Assets ng “BGC Boys” sa DPWH!

Binunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na ilang opisyal ng DPWH at contractor sa Bulacan, na tinawag na “BGC Boys” (Bulacan Group of Contractors), ay nagsugal sa mga casino gamit ang kickbacks mula sa umano’y ghost at substandard flood control projects.

Ayon kay Lacson, sina Henry Alcantara, Brice Ericson Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig at contractor Edrick San Diego ay gumagamit ng alyas at pekeng ID para ipasok ang pera sa casino. Ginagamit umano nila ang “casino spree” para magmukhang legal ang kinita: magpapalit ng cash sa chips, matatalo ng kaunti, tapos icacash-out bilang kunwari’y panalo.

Batay sa casino records mula 2023–2025:

  • Si Alcantara ay nag-convert ng P1.4B cash to chips, at halos P998M pabalik sa cash.
  • Si Hernandez: P659.9M cash to chips, pero P1.385B chips to cash.
  • Si Mendoza: P26.5M cash to chips, tapos P280M chips to cash.

Kabuuang P950M gross losses ang naitala mula sa 13 casino sa Metro Manila, Cebu at Pampanga.

Binanatan ni Lacson ang grupo: “Habang lubog sa baha ang Bulacan, nilulustay ng mga ‘BGC Boys’ ang pera ng bayan sa casino.”

Idinawit din niya ang pamilya Maglanque ng Candaba, kasama si Mayor Rene Maglanque, na umano’y may-ari ng Globalcrete Builders na nakakuha ng mahigit P2.1B flood control contracts. Kasama rin umanong konektado ang mga pamilya nina dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at Usec. Roberto Bernardo, na kapwa sangkot sa mga kontrobersiya.

Plano ngayon ni Lacson na ipasumite sa AMLC ang mga impormasyon para ipafreeze ang assets ng mga sangkot.

Exit mobile version