Site icon PULSE PH

Pinay OFW Kabilang sa Nasawi sa Trahedyang Sunog sa Hong Kong!

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na kabilang ang isang Filipina sa mga nasawi sa malagim na sunog na tumupok sa ilang high-rise buildings sa Tai Po noong nakaraang linggo.

Ayon sa konsulado, si Maryann Pascual Esteban, isang overseas Filipino worker na unang naiulat na nawawala, ay nasawi sa insidente. Sa kanilang pahayag, binigyang-diin nilang si Esteban ay isang masipag na OFW na nagsakripisyo upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanyang pamilya sa Cainta, Rizal. Naiwan niya ang kanyang 10-taóng gulang na anak.

Umabot na sa 128 ang mga nasawi sa sunog sa Wang Fuk Court residential complex, habang 150 pa ang pinaghahanap. Sa tala ng konsulado, 84 na Pilipino ang ligtas, isa ang nasugatan, at pito ang patuloy na bineberipika.

Tinututukan ng konsulado ang sitwasyon at nagpapatuloy ang kanilang operasyon upang matulungan at masuri ang kalagayan ng mga apektadong OFW sa lugar.

Exit mobile version