Inanunsyo ng Miss Globe organization ang bagong format ng kanilang 2025 pageant, na gaganapin sa Oktubre 15 (Oktubre 16 sa Manila time) at mapapanood nang live sa YouTube channel ng Deliart Association.
Sa final show, tatlong segments ang haharapin ng mga kandidata: una, magsusuot sila ng makabagong bersyon ng Albanian traditional outfits na idinisenyo ng Lilo Fashion Design; susunod ay ang Bikini Segment gamit pa rin ang creations ng Lilo Fashion Design; at huli, ang evening gown na gawa ng iba’t ibang international designers.
Mula rito, pipiliin ang Top 21, kabilang ang isang People’s Choice awardee mula sa online voting. Sa stage na ito, lahat ay magsusuot ng gowns ni Louis Pangilinan. Pagkatapos, babawasan pa sa Top 11 at muli silang magsusuot ng bago pang koleksyon ni Pangilinan. Sa huli, Top 5 na lamang ang maglalaban para sa korona.
Si reigning queen Diana Moreno ng Colombia ang magpupuslit ng korona sa kanyang kahalili. Samantala, ang coronation night ay pangungunahan nina Miss Globe 2021 Maureen Montagne at Miss Earth 2023 Drita Ziri, na dati ring nag-host noong laban ni Maureen para sa Pilipinas.
Proud na rerepresenta ng bansa ang Iligan beauty queen na si Annabelle Mae McDonnell, na nagpakitang-gilas sa Binibining Pilipinas ngayong taon.