Inanunsyo ni Makati City Mayor Maria Lourdes Nancy Binay na pinalawig ang deadline para sa assessment ng business permits mula Enero 20 hanggang Enero 26 at ang deadline para sa payment ng business licenses ay inilipat sa Pebrero 2 para makapag-comply ang mga business owners at taxpayer nang walang penalty.
Pinayagan rin ang mga nagbabayad ng real property tax na makuha pa ang 10 % discount hanggang Pebrero 2 at ang lahat ng transaksyon ay maaaring gawin mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa mga opisyal na payment points ng lungsod.
Ayon kay Mayor Binay, ang extension ay para mabigyan ng makatuwirang oras ang mga negosyante at taxpayer na makasunod sa requirements nang hindi nabibigyan ng parusa, habang patuloy na inilulunsad ang mga programa at serbisyo para sa kapakanan ng mga taga-Makati.
