Posibleng maging makasaysayan ang 2026 para sa Philippine tennis, matapos ilahad ang plano na idaos sa bansa ang unang Women’s Tennis Association (WTA) 125 tournament.
Sa pulong noong Setyembre 29, tinalakay nina Navotas Mayor at Philippine Tennis Association (Philta) secretary-general John Rey Tiangco at Philippine Sports Commission chairman Patrick Gregorio ang posibilidad na idaos ang event mula Enero 26 hanggang Pebrero 1, 2026.
Bukod sa naturang torneo, pinag-uusapan din ang pagbubukas ng Rizal Memorial Tennis Courts para sa publiko—isang hakbang na makapagpapalawak ng access at interes ng mga Pilipino sa tennis.
Kung matutuloy, ito ang unang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas ng WTA 125, na inaasahang magdadala ng world-class action at higit pang exposure para sa mga lokal na manlalaro.