Magandang balita para sa mga kidney transplant patients! Tinutulungan ng PhilHealth ang mga pasyente sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang benepisyo para sa transplant at post-transplant care. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mas makikinabang ang mga pasyente sa kidney transplant kaysa sa hemodialysis, kaya’t tinitingnan nilang i-improve ang package na unang inilunsad noong 2012.
Pinag-uusapan ngayon ang mga pagbabago sa sistema ng pagbabayad ng PhilHealth, na layong magbigay ng mas malaking tulong sa mga pasyente at bawasan ang gastos ng mga pamilya.