Handa na ba kayo sa balik-tawanan? Sa ika-15 anibersaryo ng Kapuso comedy series na “Pepito Manaloto,” may inihahandang 2-part summer special ang barkada ngayong Abril 26 at Mayo 3!
Tampok sa espesyal na episodes ang beach adventure ng buong gang sa San Juan, Batangas. Kasama rito sina Michael V., Manilyn Reynes, Ronnie Henares, John Feir, Chariz Solomon, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Angel Satsumi, at Jake Vargas. Sasali rin sina Mikoy Morales, Jen Rosendahl, Cherry Malvar, Tony Lopena, Sophia Senoron, at Maureen Larrazabal — plus special guests na sina Gelli de Belen, Robb Guinto, at Jak Roberto!
May eksena pa na mapapa-OMG ka — mag-o-overnight sina Pepito (Michael V.) at Vanessa (Robb Guinto) sa isang motel dahil sa ‘accidental’ road trip. Meanwhile, magpapaka-comforter si Chito (Jake) kay Eric (Jak) na hindi pa rin maka-move on sa ex. Siyempre, hindi rin mawawala ang kalokohan ni Tommy (Ronnie Henares) na ngayon ay nakipag-deal sa isang mayamang biyuda!
Ayon kay Michael V., tuloy-tuloy pa rin ang kwento ng show pagkatapos ng special. “Magkakaroon ng extension ang buhay ng mga characters… All out talaga kami rito,” paniniguro niya.
Dagdag ni Manilyn, hindi lang trabaho ang Pepito Manaloto, kundi pamilya na rin. “Pareho kaming may layunin na magpasaya at magbigay ng aral,” ani niya.
Si Ronnie naman, aminadong parang tunay na pamilya na sila off-cam, at si John Feir ay nagbigay-pugay sa production team: “Minsan ‘yung mismong mga kwento nila, ginagawa naming episodes.”