Itinalaga ni Pangulong Marcos si Jorjette Barrenechea Aquino bilang bagong undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO), pinalitan niya si Cherbett Karen Maralit.
Nilagdaan ni Marcos ang appointment ni Aquino noong Enero 23, ayon sa isang dokumento na ipinadala sa mga reporter ng Malacañang.
Bago maging bahagi ng PCO, nagsilbi si Aquino bilang assistant secretary para sa rail systems sa Department of Transportation.
Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, tututok si Aquino sa pagpapabuti ng rationalization plan at digitalization ng PTV-4 pati na rin ang iba pang state media agencies tulad ng Radyo Pilipinas, News and Information Bureau, Philippine News Agency, Philippine Information Agency, Bureau of Communications Services, at IBC-13.
Nagtapos si Aquino ng Bachelor of Science sa Math, major sa Actuarial Science at Statistics mula sa De La Salle University at nagkaroon ng master’s degree sa Public Administration mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.