Pinaplano ng administrasyong Marcos na gawing smart city ang Metro Manila sa pamamagitan ng paghahatid ng high-tech na koneksyon sa mga ahensya ng gobyerno upang mapabuti ang disaster response at traffic management.
Pinag-usapan sa isang sectoral meeting sa Malacañang ang Metro Manila Smart City Infrastructure for Network Resilience Project, na layong pagsamahin ang LGUs, MMDA at DICT sa iisang digital system.
“Lahat ng Metro Manila ay magiging konektado sa isang mabilis at episyenteng sistema gamit ang fiber optic networks,” ani Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang Facebook post.
– Mas maayos na daloy ng trapiko – Isasabay ang mga traffic lights sa real-time monitoring
– Mas mabilis na disaster response – Agarang delivery ng ayuda gamit ang CCTV monitoring
– Flood monitoring – Mas epektibong pagbabantay sa baha gamit ang interconnected systems
– PUV Modernization Program, Ire-review
Samantala, suportado ni Sen. Grace Poe ang panawagang muling suriin ni DOTr Secretary Vince Dizon ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
“Pitong taon na naming sinasabi sa DOTr na ayusin muna ang programa bago magtakda ng deadlines,” ani Poe.
Ilan sa mga isyung nais niyang pagtuunan ng pansin:
– Mahal na modernized jeepneys
– Dayuhang disenyo ng units
– Kulang na subsidiya para sa mga tsuper
– Mababang paggamit ng pondo—53% lang ng P7.5B budget mula 2018-2024 ang nagamit
Ngayong 2024, may dagdag na P1.6 bilyon na pondo para sa programa.
📌 MRT at LRT, Palalawigin ang Oras ng Biyahe?
Pinuri ng progresibong grupong Akbayan ang plano ni Dizon na palawigin ang oras ng operasyon ng MRT at LRT.
Ayon kay Akbayan Rep. Perci Cendaña, malaking tulong ito sa mga night shift workers at late commuters.
Hinikayat din ni Chel Diokno ang DOTr na magkaroon ng citizen’s dialogue upang mas maayos na maidisenyo ang transport system sa bansa.