Matapos ang tatlong matitinding laban sa loob ng limang araw, huminga muna ng maluwag ang Final Four teams ng PBA Philippine Cup—TNT, Ginebra, Rain or Shine, at San Miguel—dahil sa isang araw na pahinga bago ang Game 4 bukas.
Parehong may 2-1 lead ang TNT kontra ROS, at Ginebra laban sa SMB, pero ramdam na ramdam na ng mga players ang pagod at sakit ng katawan.
Para kay June Mar Fajardo ng SMB, na may minor calf injury, malaking tulong ang break:
“Malaking bagay ‘yun para makapagpahinga, hindi lang ako, pati teammates ko,” aniya.
Ganun din si Scottie Thompson ng Ginebra na may hamstring issue pero tuloy pa rin ang laban:
“Medyo hindi rin healthy, pero semifinals na ‘to. Ibibigay ko pa rin ang makakaya ko.”
Ayon sa kanya, crucial ang role ng mga physical therapists at trainers ngayon para maibalik ang lakas nila sa court.
Babawi man ngayon, balik-pukpukan na ulit sa susunod na mga araw, dahil every other day na ulit ang games.
Sabi nga ni Coach Tim Cone ng Ginebra:
“Grabe ang pagod sa 3 games in 5 days. Halos imposible maging perpekto sa ganung setup.”