PBA Player John Amores, Sangkot sa Barilan sa Laguna!
Si John Amores ng NorthPort Batang Pier ay iniulat na nasangkot sa isang insidente ng barilan sa Lumban, Laguna, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nakalaban ni Amores sa isang basketball game si Lee Cacalda. Nagkaroon ng matinding pagtatalo ang dalawa na humantong sa suntukan. Sinundan ni Cacalda si Amores sa Barangay Maytalang Uno, kung saan umano nagpaputok si Amores. Walang nasaktan sa insidente, ngunit tumakas ang PBA player.
Patuloy na tinutugis ng pulisya si Amores.
Matatandaang si Amores ay na-ban noon ng NCAA dahil sa pananakit sa mga manlalaro noong 2022.