Magiging engrande ang pagsisimula ng PBA Season 50! Isang reunion ng mga dating players mula 1975, at may mga malalaking plano pa.
Ayon kay Commissioner Willie Marcial, dalawang foreign teams ang gustong sumali sa Commissioner’s Cup, at pinag-uusapan din ang posibilidad na maglaro ang PBA sa ibang bansa. “Hindi pa namin pwedeng sabihin kung saan at sino,” sabi ni Marcial.
Hindi bago sa PBA ang mga foreign teams—mula Melbourne Panthers hanggang Hong Kong Eastern, marami nang bisitang koponan. Baka nga Canada pa ang susunod!
Mahigit 1,200 players na ang dumaan sa PBA, at magsisimula na ang season sa Smart Araneta Coliseum. Ang anniversary celebration, nagsimula na noong April 9 sa Rizal Memorial.