Sinisilip na ng Department of Justice (DOJ) ang kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na nag-utos diumano na patayin si Pangulong Marcos kung siya ay ma-assassinate.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Cesar Chavez, iniimbestigahan na ang insidente, at posibleng umabot sa kaso kung may sapat na ebidensya. Pati National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay tutok sa imbestigasyon.
Sa viral video, sinabi ni Duterte: “Kung mamatay ako, patayin si BBM, Liza Araneta, at Martin Romualdez.” Itinuring ito ng PNP bilang seryosong banta, at iniutos ni Gen. Rommel Marbil na gawing prayoridad ang imbestigasyon.
Samantala, kinumpirma ng NBI na totoo ang video at hindi ito deepfake. Iniulat na rin ito kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. National Security Council Secretary Eduardo Año, sa kabilang banda, iginiit na ang seguridad ng Pangulo ay usapin ng pambansang seguridad.