Mga lokal na kumpanya ng langis, nag-anunsyo ng halo-halong pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Abril 2.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng mga kumpanya ng langis na tataas ang presyo ng gasolina ng 45 sentimos kada litro. Samantala, bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene ng 60 sentimos at P1.05 bawat litro, ayon sa pagkakasunod.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagtaas ng presyo ang mga kalahok sa industriya ng gasolina.
Sa alas-12:01 ng umaga, magsisimula ang Cleanfuel at Seaoil sa pagpapatupad ng pagbabago sa presyo ng fuel sa Martes. Sinundan naman ng Pilipinas Shell at Petro Gazz sa alas-6 ng umaga.
Ang anunsyo ay kasunod ng malaking pagtaas ng presyo noong nakaraang linggo, kung saan tumaas ang presyo ng gasolina ng P2.20 kada litro, diesel ng P1.40 kada litro, at kerosene ng P1.30 kada litro.