Site icon PULSE PH

Pasok sa Semis! Tigresses, Walang Patid ang Bangis!

Swabeng 3-set win ang inihandog ng UST Golden Tigresses matapos i-boot out ang UP Fighting Maroons, 25-20, 25-21, 25-18, sa pagbabalik ng UAAP Season 87 women’s volleyball kahapon sa MOA Arena.

Pinaabot sa apat ang kanilang winning streak, umangat sa 9-4 ang Tigresses at tuluyang isinara ang pinto para sa UP (6-7) na umasa pang makapasok sa Final Four.

Dahil sa panalo ng UST, automatic na ring pasok ang La Salle (9-4) at FEU (8-5) sa semis, salamat sa pagkatalo ng UP na nagtanggal ng playoff complications.

Pero hindi lang basta pasok sa semis ang habol ng Tigresses — may tsansa pa silang makuha ang twice-to-beat advantage kung matatalo nila ang defending champs NU Lady Bulldogs sa kanilang huling laban. Sa ngayon, nakuha na ng NU (11-2) ang top seed at unang bonus.

Si Angge Poyos ang nanguna sa opensa ng UST na may 19 points, habang sina Regina Jurado (13 pts) at Mary Banagua (12 pts, 8 blocks) ay rumesbak din para siguruhing hindi na aabot ng isang oras at kalahati ang laban.

Samantala, sa sumunod na game, nakabawi agad ang La Salle sa masakit nilang talo sa UP bago ang Holy Week. Nanguna si Angel Canino (22 pts) sa 5-set win kontra Adamson, 25-19, 21-25, 22-25, 25-18, 15-4. Malalakas ding ambag sina Shevana Laput (21) at Amie Provido (14) para sa Lady Spikers.

Ngayon, tabla na ang UST at La Salle sa 9-4, parehong may tsansang makuha ang natitirang twice-to-beat slot — depende sa magiging resulta ng laban nila kontra NU at FEU ngayong weekend.

Semis secured, labanan na lang kung sino ang mas may advantage!

Exit mobile version