PULSE PH

Pasok sa Next Level! Team Philippines Wagi Kontra Kyrgyzstan sa Davis Cup!

Matapos ang matinding bakbakan sa Kuala Lumpur, Malaysia, muling umangat ang Team Philippines sa Davis Cup Group III matapos talunin ang Kyrgyzstan, 2-0!

Unang pinabagsak ni Eric Olivarez Jr. si Kirill Kistanov, 6-1, 6-3, bago sinelyuhan ni AJ Lim ang panalo laban kay Ilgiz Kamchibekov, 6-3, 6-3. Dahil tiyak na ang tagumpay, hindi na itinuloy ang doubles match.

Para sa Pilipinas, redemption ito matapos lumagapak sa Group V noon. Ngayon, may chance na silang umakyat sa Group II at muling patunayan na buhay na buhay ang Philippine tennis sa mundo.

Exit mobile version