Site icon PULSE PH

Park Bom, Biglang Naospital sa 2NE1 Manila Reunion!

Pasabog ang sold-out reunion concert ng 2NE1 sa MOA Arena, pero naging emosyonal nang biglang iwan ni Park Bom ang stage matapos ang unang set. Ayon kay CL, nagka-wardrobe malfunction si Bom, pero hindi ito nakabalik nang maayos dahil sa health concerns.

Bumawi sina CL, Dara, at Minzy sa mga Black Jacks sa kanilang all-out performances ng 2NE1 hits tulad ng “I Am the Best” at “Go Away.” Bumalik si Bom para sa ilang kanta, pero muling iniwan ang stage.

Ayon sa YG Entertainment, si Bom ay nagkaroon ng “emergency medical attention” backstage at hindi na nakatapos ng concert. Sa kabila nito, nagbigay ng makabagbag-damdaming pagtatapos ang grupo para sa kanilang mga loyal fans.

Exit mobile version