Site icon PULSE PH

Parañaque City, Nagbigay ng Tulong sa 202 Mangingisda

Upang mabawasan ang gastusin ng mga lokal na mangingisda at mapanatili ang kanilang kabuhayan, isinagawa ngayong Oktubre 21 ang Fuel Assistance Program na nakinabang ang 202 mangingisda mula sa Lungsod ng Parañaque.

Pinangunahan ang programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region (BFAR-NCR) kasama ang City Agriculture Office sa pangunguna ni Amy Hernandez. Layunin nitong magbigay ng direktang tulong sa gasolina upang matulungan ang mga mangingisda na ipagpatuloy ang kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis.

Dumalo rin sa aktibidad si Barangay Don Galo Captain Marilyn Burgos kasama ang kanyang konseho, na nagpahayag ng pasasalamat sa tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaang lokal at pambansa para sa sektor ng pangingisda. Sa pamamagitan ng programang ito, pinatitibay ng lungsod ang pangako nitong paunlarin ang mga lokal na kabuhayan at tiyakin na may sapat na pagkain sa bawat pamilyang Parañaqueño.

Exit mobile version